Sunday 3 August 2014

Ano Ako Super Saiyan?


Our job (customer service) is one of the hardest job I know bukod sa stress sa customer minsan ka stress din yung ang daming gustong ipagawa sayo yun bang dapat daw matuto kang magmulti task kaso minsan parang gusto ka na nilang maging super saiyan tipong sandali lng si #gokubatatay ko? Minsan ang sarap ng umabsent noh?Kakapagud na kasi! Pero after mung mag awol  ng ilang araw namimiss mo pa din tong kastress-stress na work na toh.  Well marami tayong dahilan bakit nandito pa tayo sa work na ito sana lang mas magfocus tayo sa kung anu mang rason meron tayo bakit tayo nananatili sa pang bampirang trabaho na toh. Ako? kaya nandio pa din ako kasi alam ko magaling akong dumaldal kahit di laging tama sinasabi ko at least naniniwala sila he he. But on the serious note dahil sa stressful na work na toh may bahay at lupa na ko. Yun na lang natitirang rason ko. Nakakapagod na din kasing mag apply ulit sa ibang trabaho ang alam ko lng kung mareresign man ako di na ko babalik sa bpo pero sa ngayon di ko pa kaya at di ko pa alam anung gusto ko after kong mareach yung 3rd goal in life ko (own house at age 35). Kaya focus lang sa positive forget the negative stuffs around you.

Note: Picture from http://static.comicvine.com/uploads/scale_super/10/108099/3373497-goku_ssj_2_by_imran_ryo.jpg




Sunday 4 November 2012

Muli

Sa paglipas ng mga taon ang bawat dahon ng aking buhay ay unti unti nang nalalagas at nag-iiba ng kulay. Mula kulay luntian ngayo'y unti unti nang nagiging dilaw na sa kalauna'y magiging kulay kahel. Darating ang araw na ito'y mahuhulog sa mga sanga patungo sa lupang kanyang kahihimlayan.

Marahil ito na ang hangganan ng kanyang buhay, subalit mayron ngang kasabihan ang bawat simula ay may hangganan. At ang baway hangganan ay maaring maging simula ng isang maliwanag at mas magandang bukas.

Tulad ng tuyong dahon, oo marahil ang lupa ang kayang magsisilbing himplayan, subalit paglipas ng mga araw, ito'y magiging kabahagi ng lupa at magsisilbing mineral sa iba pang halamang sa paligid nito'y namumuhay.

Tulad ng mga dahong dati rati'y luntian, oo marahil ako'y nasa katanghaliaan na ng aking at maramimg bagay akong nakaligtaan. Ngunit di pa huli ang lahat upang naudlot na pangarap ay muling balikan.

Ngayon ang simula ng pagbuo ko ng bagong pangarap tulad ng isang musmos muli, ako'y mangangarap.